Ang sabi nila sa panahon ngayon bibihira na lang mga taong may mabuting kalooban. At yan ang isa sa mga tinutukoy na pagkabansot sa isang akda ni Onofre Pagsanghan na "Sa Kabataan". Ayon sa akda na kahit anong bilo, laki, talino natin ay bansot pa rin tayo sapagkat ang pagkabansot ng puso, ng isipan, at ng diwa ay siya naman pinakamalagim na pagkabansot.
Nandito tayo lahat nakatayo sa panahong ito maraming pagbabagong naganap na siguradong yumanig sa mundo at ito ang "Panahon ng Teknolohiya" na kung saan nagsulputan ang mga makabagong kagamitan na mistulang kabute lang na tumubo kung saan. Dahil dyan sa malawakang pagbabago na iyan halos karamihan natin ay nagiging mistulang nabansot. Bakit? dahil sa ibang bagay kagaya ng mga makabagong teknolohiyang ito ay nakakalimutan na antin ang ating tradisyon at kultura na ipinagpalit natin sa mga bagay na kung tutuusin na maari rin mawala.
Sa mabilisang pagbabago ngayon ay lahat na ay posible. Pero ang isang bagay na hindi natin pwede ikaila ay ang pagkonti ng mga taong may maayos na paguugali [Yung totoo sa sarili nya at hindi plastic sa iba]. Dahil puro imitasyon na lang at kokonti na lang ang mga totoo.
Sa kabilang dako, kung nabansot tayo ngayon hindi pa huli ang lahat upang magbago. Marami pang paraan upang tayo'y magbago sa kabila ng mga pagbabago ngayong panahon.Tandaan lahat ng bagay ngayon ayb posibleng posibleng kung mayroon kang paniniwala sa sarili mo na kaya mong magbago makakaya mo ito.
Ngayon ang desisyon ay nakasalalay lang sa ating kamay upang magbago.