Mayroong puntong nadating sa mga buhay natin na kung minsan hindi na natin kilala ang ating mga sarili. Bilang ako,bilang ikaw,o bilang tayo kilala ba natin kung sino ba talaga tayo? Sa karami-raming tao sa daigdig na ito marami ang hindi nakakakilala ng kanilang mga sarili. Ako sa katunayan mayroong mga pagkakataon na napagsasabihan ako na "sana bumalik na ang dating James[James ang pangalan ko],sana bumalik ka na sa dati kasi parang di na ikaw yan". Yan ang kadalasan kong naririnig sa mga pagkakataong may nagagawa akong mali.
Narating din na minsn tinatanong ko ang aking sarili kung ano ang nangyayari sa akin o bakit ako nagkakaganito, pero dahil sa sarili ko lang ang aking kausap wala naman din itong maibigay na sagot.
Pero nakakatuwang isipin na kahit hindi natin kilala yung ating sarili nasasabi natin sa ibang tao na kilalang-kilala natin sila .Bakit kaya ganun? Siguro dahil sa kasama natin sila, malapit na malapit kayo sa isa't isa at sila ba yung taong nakakaintindi sa atin at alam niya ang kahinaan at kalakasan natin.
Ito ang sa tingin ko kung bakit hindi natin kilala yung mga sarili natin[pwede naman yatang umopinion ako di ba?]
Unang una, dahil gusto na natin kalimutan ang dating tayo [which is a very hard thing to do yung kalimutan ang dating tayo..]
Pangalawa, dahil gusto natin maging accepted tayo ng ibang tao, kaya minsan nagbabago tayo ng personality and attitudes[the idea was from my friend, Dawn]
Pangatlo, pinapangarap natin na ibang tao tayo kahit hindi naman o kaya naman sinusunod natin ang gusto ng ibang tao.
Ang pangatlong opinion ko ay siyang tumutukoy talaga sa pamagat. Hindi naman natin pwedeng ikaila na mas madalas natin sinusunod ang gusto ng ibang tao[nakakarelate?], halimabawa nito ay ang gusto nating kuning kurso pero ayaw ito ng magulang natin sa dahilang mas gusto nila yung kursong patok gaya ng nursing, eto ikaw namimili ka sa dalawa kung ano ang kukunin mo yun bang gusto mo o yung kagustuhan ng mga magulang mo. Eto ang twist jan, ang ibang magulang ginagawa yan upang tignan ang kanilang mga anak kung sigurado sila kukuning mong kurso.Ngayon sa tingin mo nagpapakatotoo ba tayo, malaya ba tayo sa mga kagustuhan?
Ang sagot ay nasa inyo....
No comments:
Post a Comment